You.

Why is it that when you’re content to forget something, dreams remind?
Why is it hard to dream a dream without you?
I’m not even thinking about you.

Minsan kailangan mo pang sabihin ang obvious na bagay.

Minsan kailangan mo pang sabihin ang obvious na bagay.
Ang buhay ng tao sa siyudad ng Maynila.

Pera ang sumisimbolo ng estado ng tao sa lipunan, pag wala kang pera, mahirap ka, at kung limpak-lipak naman ang pera mo, mayaman ka. Walang gustong maging mahirap, lahat gustong maging mayaman, may ibang nagsasabing ok na sila sa tamang pamumuhay, ewan ko lang pag sinwerte sila’t naging mayaman sila, tignan natin kung pakawalan pa nila. Binubulag tayo ng, PERA. Minsan dahil dito ayaw na natin umalis sa trabaho, kahit ayaw naman talaga natin yoong ginagawa natin.

Pera, aminin na natin. tayo, sa panahon ngayon, ay nangangailangan ng Pera.
Kahit sinong tao, kelangan ng pera! ano na lang ipambibili mo ng gamot kung wala kang pera? Kaya siya kumakahig ng kumakahig para magkapera, oo pera.
Hindi mapapansin ng tao ang isang bagay kung masiyadong maraming bagay na umookupa sa isip niya. Ngayon kung laging maraming umookupang bagay sa isip niya. Hindi niya na rin siguro mapapansin ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa kaniya, bat niya pa nga naman iisipin ang traffic sa EDSA? pwede naman siyang pumasok ng sobrang maaga. Dito pumapasok ang mali, bat niya hindi papansinin ang traffic sa EDSA? Bakit siya papasok ng sobrang aga? Bakit? kasi masisipa siya pag nalate siya? Teka muna nga, hindi na kasi magbabago ang sitwasyon pag laging magaadjust siya sa EDSA, teka, wag natin isentro sa edsa, sa ibang highway din. Bakit siya papasok nang sobrang aga? Dalawang oras, kelangan nakaalis na sa bahay, kung hindi malelate na siya! Takbo Juan, Takbo! Dahil madalas akong napapadaan sa EDSA, eto na lang ang gagawin kong ehemplo. Kung tutuusin, kayang baybayin ang Buong kahabaan ng EDSA ng isang oras, minsan nga mas mabilis pa. Pero dahil sa trapiko inaabot tayo ng tatlo? apat? ilang oras pa? Kung tutuusin, naitulo pa niya ng mahaba ang ibabiyahe niya nang sobrang aga, marami pa ring pwedeng ibang nagawa kung maagang nagising kung di dahil sa trabaho. Maaaring naigawa ito ng mas produktibong bagay.

“ANG MGA IMBENTOR NG PILIPNAS AY MADALAS NANG-GAGALING SA PROBINSYA”, bakit? eh mas konti iniisip nila, tayo, para tayong si “PACMAN”, yung laro ah, yung mukhang balat ng saging pag namamatay, oo siya! panay na lang tayo pellet(pera)! kaya nakulong na tayo sa isang lugar na hindi na natin maalisan! Pansin ko kasi, mas konti ang iniisip ng mga taong kontento sa probinsiya, kesa sa mga tao na nasa Maynila, bakit? eh sa maynila pag wala kang pera, makikitang kang kakalat kalat sa EDSA, Greenbelt 5, CCP at kung saan pang lugar. Pag nasa probinsiya ka, andiyan ang bakuran at ang alagang kambing. Yoon lang, hindi na kailangan bumyahe para sa trabaho, dahil nasa bakuran ito. Andami nilang oras para sa sarili, kung bata ka, papasok ka sa iskwela ng lakad, eh ano naman, wala namang usok at traffic sa paglalakad. Subukan sa maynila, mamaya ka pa sa pangatlong subject mo makakarating, may bonus pang pawis, init ng ulo at usok. Self-explanatory na siguro yung maikling pangungusap sa itaas, sa dami nilang oras, at sa kagustuhan nilang umunlad, nakakaisip sila ng mga pamamaraan na magpapadali lalo sa pamumuhay nila. Sabagay, maluluto nga naman ang utak mo sa usok at init pag sa maynila ka nakatira, sa dami ng nagyoyosi sa publikong lugar, eh, ewan na lang, bukod pa ang usok ng sasakiyan.

Anong meron sa probinsiya na wala sa manila at ano meron sa manila na wala sa probinsiya?

Manila:
Pera?
Usok
Dumi
Luho
Traffic-Jam sa EDSA?
Internet
Kuryente
Tubig
Mall
Magagarang skwela?
Magandang trabaho?(ows, totoo ba?)

Probinsiya:
Mas konting pera?
Sariwang hangin
Malinis na kapaligiran
Maluwag na kalsada
Luho
Internet
Kuryente
Tubig
Mall
Simpleng pamumuhay at trabaho

Traffic-jam sa EDSA?
oo tama, parang ugat yan, pag barado ang daluyan ng dugo, maaaring maparalisa ang tao. parang ekonomiya natin. eh teka, ano ba kasi ang pinagkaiba ng nagtatrabaho sa bahay at nagtatrabaho sa opisina? eh parehas lang naman nagtatrabaho? kung walang bumabiyahe, siguro, wala ring heavy-traffic. nasaan ang silbi ng internet? naimbento lang ba ito para ipang “facebook”, pandownload ng illegal movies, software, songs, at kung ano-ano pang iba? sayang, hindi namamaximize ang potential ng isang bagay.

Ano nga bang pinagkaiba? Mas maliit sahod ng provincial rate?
eh aanhin mo naman ang pera kung zombie ka?
at nagpapaikot-ikot ka sa highway ng EDSA?
eh maski sa bundok may internet?
kung makakapagtayo ako ng bahay sa bundok dun na lang ako :))
mag wowork from home na lang siguro ako via oDesk, Free-Lancer at kung ano pa :)

Bat ba tayo nag sisiksikan sa maynila? Eh anluwag-luwag sa probinsiya?
Ano ba talaga ang gamit ng internet? hanggan doon na lamang ba?
Kailan ba mapapansin ang mga bagay na halatang halata naman?

Aanhin natin ang napakalaking pera kung zombie naman tayo?
May internet din sa probinsiya no! Pwedeng mag facebook doon!
May mall din at kung ano anong kaluhuang gusto, konting dagdag kayod lang!

at siguro dito ko na tatapusin ang napakahaba kong sinabi.
di ba obvious? nagsisiksikan tayo sa maynila?
may internet pero kelangan pa natin bumyahe? dahil ba mas mukhang professional? Eh ano #$%^&*() pala ang paniniwalang iyan eh.
Walang traffic kung nasa bahay lang tayo :D

can you hear my heart’s call?…

still, can your heart hear me…
still, can your soul touch me…
Sometimes I’m afraid that my words for you are falling on deaf ears…
It’s not that I’m stuck with our past… The thing is I Love You… really…
And it’s not that easy to let go the way you did… Well, did you? I don’t know but It’s a bit confusing..
I’m not blaming anyone for what happened…
……………..
I was just shocked when I read your blog…
The part where you mentioned a church in Intramuros…
……………..
I don’t know if it was meant to happen…
but I took that song seriously…
“just be friends”?; was like a bad omen, you said it…
and after months of singing, practicing the piano piece of that song…
it did happen, we broke up…
how I wished you didn’t say, that I was like that guy in the video of that song…
I wanted to tell you that too, that you were like the girl in the video…
and we were like them…
Was that a sign of an ending relationship?
I remember, when you can’t see me somewhere, especially when you forgot your phone at home or for whatsoever reason…
You always ask for signs… I was so happy, back then… Because I thought that we’re just meant for each other…
And that no one can stand agains’t us… but then… after some years… we ended up singing that song…
we ended up, just like that song… even worse… the plug was pulled… we ended up being….
strangers…
I remember a day, when I was on a date with someone, I saw a girl just like you, she also walks like you, and her back looks like yours too;
but… I can’t see her face, that’s why I can’t confirm…
You know what… My heart races that time… I just wanna chase that girl, just to check.. but then, I was with someone…
I tried… so many times… still… I can’t…
I really just…. you know… Love you that much…
I can write hundreds of these… even more…
Hope someday… you’ll be able to read out my feelings…
Hope someday… you’ll hear my heart’s voice…
end….

Panaghinip

Sunday March 11, 2012
……….
Nanaghinip na naman ako at nandoon ka na naman…
nagseselos ka daw sa ginawa ko kasi, may hinalikan daw ako na kaibigan mo…
nakakatawa nga eh, kasi kilala ko kung sino yoon…
umiyak ka nga doon eh, tapos nakita ko na may iniiyakan ka na lalake… natatawa lang din ako kasi… hindi ko kilala yoon…
tapos ayon, ginigising na ko sa kalagitnaan nung pananaghinip ko… nataong ikaw na naman yoong huli…
pero hindi ko pa rin hinayaan na magpagising, sinigawan ko pa nga yung kapatid ko, kasi kinukulit niya ko sa kagigising…
at nakatulog ulit ako, sinwerte naman, kasi kaya ko ibalik yung pananaghinip ko sa same place and kung ano man yung event na nangyayari…
natutunan ko, sobrang bilis kasi lumalim ng tulog ko, at… alam mo ba yung inception? yung nananaghinip yung ako sa panaghinip ko? Oo, madalas nangyayari sakin iyon…
kaya minsan sa panaghinip ko, akala ko gising na ko… sobrang bangungutin kasi ako eh, diba? nasabi ko na naman sayo, diba? kaya ayon nakabalik ako sa panaghinip kung saan nakikita kitang malungkot…
sorry, kung malungkot ka doon… hehe… malay ko ba… di ko rin alam kung bat nandoon yung kaibigan mo eh… tapos nataon pa na nahalikan ko??? wahahaha… basta ang gulo…
so… ayon, nagsabi ka daw sa manliligaw mo… hehe… tapos sinugod daw ako… tapos ang gulo na… hindi ko na ikekwento ang nangyari… pero magulo… normal na panaghinip pa rin naman ang nangyayari, at di ko pa rin kontrolado yung panaghinip… pero tinamad na kasi ako… kaya gumising na ko… para kasing wala nang kuwenta yung panaghinip na sunod… pero ok naman… nakita pa rin kita… nga pala… ang ganda mo doon, hahahahahahaah! pero iyon na yoon… unang beses kita nakita na umiiyak sa panaghinip… kaya, ayon…

Dalawang taon ko na rin inaantay masabi…

XD isipin mo nalang, yun mga mahahabang “………” katumbas noon yung sa TV pag wala ng palabas. yung sound na “tooooooooooooooooooooot”.

……madaling araw na, di pa rin ako nakakatulog…
makapagbukas nga ng email……………
inbox(1)…..
from: *******
subject: Hunny…….

Sunday, 25 July 2010 3:02 AM

Hunny… I can see na gusto mo na kong kalimutan… You deleted me as your friend on fb and here.. binlocklist mo pa ko.. Hunny, if we have a problem I hope we can settle this na nasa pinas ako.. hindi ganitong wala ako tapos nagkakaganito…..

Just today, I realized a lot of things… First, NA MALI NA TONG GINAGAWA KO SAYO.. Di ko dapat inaabuso yung pagmamahal at kabaitan mo saken.. Hindi kita dapat niloloko.. Second, IKAW ANG MAHAL KO AT HINDI SIYA.. Buong araw ngayon nasa labas lang kami nina Fel.. namimili ng mga souvenirs.. ikaw yung naiisip ko buong araw.. kung kamusta ka na, kung ano nang ginagawa mo.. the whole time sa shopping, ikaw lang din pumapasok sa isip ko…..

Sana hindi tayo ganito magtapos… mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita hunny.. Alam kong maraming maraming beses na kong nagkamali.. Maraming maraming beses nakasakit.. pero sigurado na ko sa nararamdaman ko.. ayoko na lokohin ka, siya at lalo na yung sarili ko.. Gusto ko nang bumalik tayo sa dati.. ayusin lahat ng problema.. ibalik yung pagmamahalan natin.. ibalik yung tiwala mo saken..

Hunny.. I will always wait for you sa Zapote every friday evening…..

I LOVE YOU SO MUCH …………..!

……………………………………………………………………………………………………………………
hi, nandito ako sa trabaho…

halos dalawang taon na rin ang nakalipas..

eto pa rin ako… naghihintay… na baka sakaling balang araw, magparamdam ka…ginagawan ko naman nang paraan para makausap ka… pero parang hindi na ko karapatdapat pa para sayo ngayon…anlaki na ng pinagbago mo… nakakatuwa naman kasi nakabuti naman din siguro ang paghihiwalay natin…muli… gusto ko humingi ng kapatawaran… gusto pa rin kita makita… makasama… mahagkan… at mahalikan…hindi ko na rin naman magawang malungkot kasi yun na nga… sa nararamdaman ko… sa nababasa ko… pakiramdam ko masaya ka na…

at wala na kong ibang hihilingin pa kung di ang maging masaya ka…

minsan napapanaghinipan ko… tayo pa rin…hehe… nakakalungkot lang pag gumigising, kasi sabi nila, maraming beses daw kung managhinip ang tao sa isang gabi…

pero bat natataon pa na ikaw ang huli, at naaalala ko…

pero masaya na rin ako’t nakita ko ang ngiti mo kahit sa panaghinip ko…

halos dalawang taon na rin ang nakalipas…

ikaw pa rin ang tumatakbo sa isip ko… sa kahit anong ginagawa ko…san man ako pumunta…

hindi ko masabing mali ang nararamdaman ko, hindi ko masabing mali ang nasa isip ko… alam ko kung ano ang tama’t mali…halos dalawang taon na rin ang nakalipas…hinihintay pa rin kita sa Zapote, na baka sakaling makita pa rin kita… araw araw ng pag uwi ko, sinisilip ko pa rin ang 7-11, nagbabakasakaling nandoon ka… minsan pumapasok pa para masilip na baka bumibili ka lang…hindi ko alam kung anong laro ang gustong ipalaro sakin ng tadhana… hindi ko lang alam kung trip niya ko supresahin na balang araw makita ulit kita sa Zapote…

halos dalawang taon na rin ang nakalipas…
mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal pa rin kita hunny…

…………………………………………………………………………………………………………………….
Hunny.. I will always wait for you sa Zapote every friday evening or kung kelan man… basta dadaan ako doon araw-araw…
wag mo sanang kalimutan yung blackforest na cake, paborito ko talaga yun, ikaw lang kasi ang makakapagpaluha sakin sa tuwa pag may nagbibigay sakin ng cake na ganon…..Ikaw lang….

………………………………………………………………………………………………..
at nagising na uli ako mula sa pananaghinip
……………………………………………
Hunny
………………………………………………………………………………………………………………..